Handang Handa…

Handang handa ang gobierno sa corona outbreak
Handa na ang mga sundalo at mga militar
Nakahanda na rin ang mga pulis at mga ipinagbabawal
Nakahanda na rin ang mga Quarantine Pass sa mga pamayanan
Handa na ring sisishin ang mga dukha at sikmura ay kumakalam
Handang handa ng pagsabihan na sila ay pasaway at walang pakialam
Handa ng manawagan sa pakikipgakaisa, at pagsunod sa kautusan
Handa naring humingi ng tulong sa China at ibang bayan.

Handang handa ang gobierno na itakwil ang pangangailangan ng bayan
Handang handa sa pagkaltas ng P10 bilyong budget para sa kalusugan
Handang handa! May isang doctor sa bawat 30,000 taong bayan
Kahit sabi ng WHO na dapat ay 1:10,000 mamamayan

Kung ang bayan man ay umangal, magalit at saka manghingi ng pananagutan
Handang handa ng sabihin: makipagtulungan na lamang
Kaunting tiis para naaman sa kapakanan ng bayan

Handang handing alipustain ang mga dukha
Sa relief package na pweding sabihin, mabuti na kaysa wala
Bakit ba dapat ipagmalaki na may instant noodles sa bawat impake
Na kung tutusin ay dapat ikahiya, dahil ito ba ang paghahanda?
Dahil ba mahirap lang sila kaya kahit tadtad ng asin at MSG ay pwedi na
Pantawid ng gutom lang naman, at sa sikmurng kumakalam
Pampuno na ng tiyan at ilusyon ng kabusugan.

Handang handa na sa paghingi ng emergency power
Handang hand na makipagkapalan ng mukha ang mga epal
Kahanay daw nila ang mga nasa frontliners
Excuse me po, ang ,mga frontliners po ang mga lingkod-bayan
Di sila trapo at di rin nagpapayaman mula sa buwis ng mamamayan.

Handang handa na!
Social distancing ang nausong salita
Matagal ng batid ng dukha na agwat agwat na distansya
Sa pagitan ng mayaman at ng mahirap at ng mga aba
Matagal ng isinabatas iyan ng mga naghahari-harian at elitista
Bawal ang lumban. magtanong, magsuri, lalo na ang umalsa
Pararatangan ka na kaliwa, aktibista o isasama sa mga terorista

Handang handa ana talaga sa COVID 19 o karaniwang tawag ay corona
Kaya pa la, idinaan na lang sa katagang “ sumunod ka na lang”
Para lang BAWAL TUMAWID, Nakamamatay ang sabi sa kalsada.

Saan pa ng ba tutungo ito kundi sa pagtindig at paglaban
Silang pinagkaitan ng kalusugan at kabuhayan
Silang ginutom at dinuduraan ng panlalait at alipusta.
Maghanda ang dapat maghanda, ang bayan ay naghahanda na.##

 

Funds for health cut by P10 billion

Click to access HB07298.pdf

Leave a comment

Archives